Inaasahang makuha ng Democratic Party ang pamamahala sa House of Representatives sa gitna ng isinasagawang early voting para sa US midterm elections.

Ibinunyag ni Bombo Senior International News Correspondent Dolly Ilogon na sa 294,804 na mga residente ng New York na bumoto na sa unang apat na araw ng early voting, nangunguna pa rin ang mga kandidato ng Democrats.

Ipinaliwanag ng correspondent na prayoridad ngayon ni US President Donald Trump ang pagpapakampanya sa iba’t ibang estado upang maprotektahan ang posisyon ng mga Republican sa Senado at Kamara.

Kaya naman, nananatiling kritikal ang takbo ng politika sa Amerika bago ang opisyal na araw ng serye ng halalan.