Kinondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang plano ng gobyerno na ipagkaloob sa Estados Unidos ang access sa mga mineral reserve ng Pilipinas sa pamamagitan ng Pax Silica Initiative.
Nagpahayag si ATM National Coordinator Jaybee Garganera na peligroso ang naturang hakbang dahil sa kakulangan ng paglilinaw at transparensya ng gobyerno kung ano ang makukuha ng bansa kapalit ng ating kalikasan.
Ayon sa lider ng grupo, purong pag-aasam pa lamang at mga pangako ng trabaho ang hawak ng mining industry ngunit walang konkretong kompanya at pamumuhunan ang nakumpirma.
Dahil dito, nanawagan ang ATM na ibasura at tanggihan ang Pax Silica upang maprotektahan ang kalikasan at ang mineral ng bansa.











