Ikinalugod ng Bolonsori City Memorial Park Laborers Marketing Cooperative ang natanggap na tulong sa pamamagitan ng TUPAD Program ng DOLE para sa pagdiriwang ng Undas 2026.
binunyag ni BCMPLMC President Ben Mondelo na mahigit 100 kasapi ng kanilang kooperatiba ang nakakinabang sa 15-araw na trabaho sa paglilinis at pagtatabas sa loob ng sementeryo sa Bolonsori, Cagayan de Oro.
Ipinaliwanag ng opisyal na malaking tulong ito sa kabuhayan ng mga manggagawa habang nagbibigay din ng seguridad at kalinisan sa mga pamilyang dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Dahil dito, nagpaabot ng malaking pasasalamat ang naturang grupo sa pamunuan ng DOLE sa pag-apruba sa kanilang hiling para sa naturang programa.











