Ipinakatap ng Aviation Security Group ang karagdagang mga pulis sa loob at labas ng Laguindingan Airport sa gitna ng nagpapatuloy na full alert status para sa Undas.

Ipinahayag ni PLTCOL Mardy Hortillosa II na nagpadala ng karagdagang pwersa ang kanilang regional office upang tiyakin ang maayos at ligtas na biyahe ng bawat pasahero.

Alinsunod sa utos ng kanilang headquarters, mananatili ang full alert simula pa noong Oktubre 27 hanggang sa Nobyembre 3 para sa seguridad ng mga night at early morning flights.

Kaya naman, hinimok ng kepulisan ang publiko na maagang dumating sa terminal at sundin ang mga alituntunin upang hindi maantala sa kanilang biyahe.