Nagtala ng pagbaba sa dami ng mga pasahero at biyahe sa eroplano ang mga paliparan sa Rehiyon 10 sa katatapos lamang na Undas 2026 kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Alinsunod sa datos ng Aviation Security Unit-10 sa pamamagitan ni Assistant Chief Police Lieutenant Colonel Mardy Hortillosa II, umabot lamang sa 54,799 ang bilang ng mga pasahero ngayong taon, mas mababa ng mahigit walong libo o labindalawang porsyento mula sa 63,328 na mga pasahero noong taong 2025.

Bumaba rin sa 438 ang kabuuang biyahe sa eroplano mula sa 520 na flights noong nakaraang taon. Itinuro ng mga awtoridad na ang pagtaas sa presyo ng langis at gasolina ang isa sa mga pangunahing dahilan sa pagbaba ng mga bumiyahe.