Kinakailangang kumita ng hindi bababa sa ₱14,938 kada buwan ang isang pamilyang may limang miyembro sa Rehiyon 10 upang makamit ang batayang pangangailangan sa pagkain at hindi pagkain.

Ayon sa ipinahayag ni PSA Region 10 Senior Statistical Specialist Jenelyn Las Pobres sa Bombo Radyo, ito ang kasalukuyang poverty threshold o sukatan ng kaparehohan sa rehiyon.

Batay sa naturang kuwenta, ang bawat isang indibidwal ay nangangailangan ng pinakamaliit na ₱2,988 bawat buwan.

Nilinaw rin ng opisyal na kung ang kita ng pamilya ay bumaba sa naturang halaga, opisyal itong mabibilang sa listahan ng mga mahirap.