Paraan lamang upang pagtakpan ang totoong kaliitan ng kita at hirap ng mga Pilipino ang ginamit na datos sa kahirapan ng bansa.

Ibinunyag ni dating Vice Governor Joey Pelaez sa Bombo Radyo na sinadyang pinababa ng mga opisyal ang poverty line upang lumiliit lamang ang lalabas na bilang ng mga mahihirap sa kanilang opisyal na ulat.

Ayon sa ekonomista, ang ₱2,927 na kita kada buwan ng bawat indibidwal ay imposibleng makapagbigay ng disenteng buhay.

Nagbabala rin ito na ang ₱21 bawat kainan na inilaan ng gobyerno ang pangunahing dahilan ng kakulangan sa nutrisyon at pagka-stunted sa paglaki ng mga kabataan.