Nabahala nang husto ang election watchdog group na NAMFREL sa pagpabor ng Korte Suprema na iusog sa Nobyembre 2028 ang Barangay at SK Elections.
Ayon sa ipinahayag ni NAMFREL Secretary General Eric Alvia sa Bombo Radyo, nagbibigay ng peligrosong mensahe ang korte dahil sa pagpumilit sa kapangyarihan ng Kongreso sa ibabaw ng karapatan ng taumbayan na bumoto.
Ipinaliwanag ni Alvia na tinapakan ng naturang desisyon ang batayang karapatan ng mga mamamayan sa pagpili at pagpapalit ng mga bagong lider sa barangay.
Idinagdag pa ng opisyal na mas binigyang-diin ng korte ang termino ng opisyal kaysa sa boses ng mga botante.









