Kinakailangang itutok na lamang ng taumbayan ang pag-inspeksyon sa kilos ng mga opisyal ng barangay matapos mawala ang paraan ng pagpapanagot sa pamamagitan ng eleksyon.

Ibinunyag ni NAMFREL Secretary General Eric Alvia sa Bombo Radyo na ang pag-usog ng BSKE sa 2028 ay nag-alis sa batayang karapatan ng botante na makahingi ng pananagutan.

Ayon sa opisyal, imbes na aksayahin ang panahon at pondo sa pakikipaglaban sa hatol ng korte, mas mabuting ipokus ang pag-monitor sa mga nakaupo.

Nagbabala rin si Alvia na kinakailangang manatiling alerto ang publiko upang hindi maghari-harian lamang ang mga napalawig ang termino.