“It violates the common good!” Ito ang ipinahayag ng Lay Theologian at Convenor ng People’s Constitutional Reform Initiative na si Wilson Amad matapos makaramdam ng malaking kalungkutan at pagkadismaya sa pag-uphold ng Korte Suprema sa pag-antala ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sinabi ni Amad na isang imoral na hakbang at malaking paglabag sa prinsipyo ng simbahan ang pagkakait sa batayang karapatan ng taumbayan na makapili ng tapat na mga opisyal sa barangay.
Dugtong pa nito na nakasira sa moralidad at nakapagpababa sa tiwala ng publiko patungo sa pinakamataas na kapunungan ang naturang hatol dahil isinakripisyo nito ang kinabukasan ng bansa.
Dahil dito, hinimok ng opisyal ang mga nagmamalasakit na abogado na magkaisa sa paghamon at pagprotesta sa naturang desisyon ng korte.











