Nirekomenda ng Convenor ng People’s Constitutional Reform Initiative na si Wilson Amad na baguhin ang sistema at ipagkaloob na sa mga multi-sectoral group ang pagtatalaga ng mga hurado sa Korte Suprema.

Isinagawa ng Lay Theologian ang naturang panawagan matapos madismaya ang publiko sa pagtanggi ng Korte Suprema na ipagpatuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa bansa.

Nagbabala ang lider na hindi na dapat ipagkaloob sa Presidente o sa mga politiko ang pagpili ng mga huwes upang manatili ang tunay na katarungan at walang kinikilingan sa mga malalaking kaso.

Kaya naman kaisa-isa ang panawagan ng grupo na kinakailangan ang malaking reporma sa hukuman upang matiyak na ang karapatan ng taumbayan ang laging mangibabaw.