“Trump Out” ang malakas na sigaw ng League of Filipino Students sa gitna ng nalalapit na pagdating ni US President Donald Trump sa Pilipinas para sa ASEAN Summit.

Ipinahayag ni League of Filipino Students National Vice Chairperson Summer Libelle Espiritu na hindi dapat tanggapin sa bansa ang lider ng Estados Unidos dahil sa tatlong malalaking dahilan na kinabibilangan ng pagsusulong nito sa proyektong Pax Silica na sinasabing mang-aagaw sa lupa, tubig, at enerhiya ng mga Pilipino.

Ikalawang dahilan na ibinunyag ni Espiritu ay ang pagkakasangkot umano ni Trump sa mga digmaan sa labas ng bansa tulad sa Palestine, Iran, at Lebanon na kumitil sa buhay ng maraming sibilyan.

Ikatlo na binigyang-diin ng grupo ay ang pagtaas ng presyo ng langis dito sa Pilipinas na sinasabing resulta ng patuloy na kaguluhan at panghihimasok ng administrasyon ni Trump sa ibang mga bansa.