Binatikos ng guro at lumad rights advocate na si Jeany Rose Hayahay ang bilyon-bilyong pisong gastos ng gobyerno sa mga dayuhang kasunduan tulad ng Pax Silica habang pinababayaan ang mga katutubo.
Nakita ni Hayahay na ilang buwan lamang na trabaho ang iaalok ng naturang proyekto ngunit mag-iiwan ito ng pangmatagalang pinsala sa kabuhayan ng mga Aeta sa Tarlac.
Itinuro rin ng aktibista ang ginawang paglalagay ng malalaking tarpaulin sa Metro Manila sa gitna ng ASEAN Summit bilang tanda ng pagtatakip sa totoong kahirapan sa bansa.
Para kay Hayahay, hindi makatarungan na unahin ang dayuhang kasunduan imbes na ang batayang pangangailangan ng mga mahihirap na Pilipino.











