Hindi na nagtaka ang progresibong grupo na August Twenty-One Movement (ATOM) sa ginawang pagtatakip sa mga mahihirap na lugar sa Metro Manila na daraanan ng mga dayuhang lider para sa ASEAN Summit.

Nagpahayag si Volt Bohol ng pangkat ng ATOM na kahalintulad lamang ito ng nakasanayang gawain noon ni dating First Lady Imelda Marcos sa panahon ng diktadurya upang itago ang totoong kalagayan ng kahirapan sa bansa.

Ipinahayag ni Bohol na kahit takpan pa ng administrasyon ni Presidente Ferdinand Marcos Junior ang mga naturang komunidad upang makaakit ng mga dayuhang negosyante, hindi pa rin magtitiwala ang mga investor dahil sa kasaysayan sa pangalan ng kanilang pamilya.

Idinagdag ng lider ng grupo na isang pagsisinungaling sa taumbayan ang pagkukunwari sa harap ng mga bisitang lider tulad ni United States President Donald Trump imbes na lutasin ang totoong problema sa bansa.