Malinaw na problema sa pamamahala ng ekonomiya at hindi lamang ang pagtaas ng presyo ng langis sa mundo ang dahilan kung bakit nahihirapan ang Pilipinas kumpara sa mga karatig-bansa sa Southeast Asia.

Itinuro ni Economist Joey Pelaez na habang lumalago sa 5 porsyento ang ekonomiya ng ibang bansa at umabot pa sa 9.5 porsyento ang Vietnam, bumagsak sa pinakamababang 2 porsyento ang Pilipinas at nakaranas ng stagflation.

Ang persepsyon sa korapsyon at kakulangan sa tiwala sa gobyerno ang nagtaboy sa mga dayuhang negosyante at pumigil sa mga lokal na negosyante sa pagpapalawak ng negosyo, paliwanag ni Pelaez.

Kahit parehong humaharap sa krisis sa petrolyo ang buong rehiyon, ang Pilipinas lamang ang nalubog sa mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho, at mabagal na pag-unlad ng ekonomiya.