“Reject Pax Silica!” Ito ang sigaw ng mga estudyante, guro, at kawani sa isinagawang campus walkout at noise barrage sa Cagayan de Oro kahapon.

Ayon kay Xavier University Central Student Government President Luiz Nicholai Wong, tutol ang kabataan sa Pax Silica dahil interes lamang ng Estados Unidos ang mangingibabaw at hindi ang kapakanan ng Pilipinas.

Idinagdag ni Wong na walang malinaw at transparent na detalye ang naturang kasunduan habang ang mga Pilipino ang laging dehado sa bawat kasunduang pinapasok ng Amerika.

Binigyang-diin din ng batang lider na hindi welcome sa bansa si United States President Donald Trump dahil sa mga kaguluhang dala nito sa buong mundo na nagresulta sa pagtaas ng presyo ng diesel patungong 100 piso at unleaded patungong 80 piso na nakaparalisa sa kabuhayan ng mga drayber ng dyip.