Ikinalungkot ng grupong Federation of Free Workers (FFW) na ikinulong at pinagkaitan ng karapatang makakonsulta ng abogado ang mga nagprotesta habang binigyan ng red carpet welcome ang mga dayuhang bisita sa ginanap na 49th ASEAN Summit.

Kinilala ni Federation of Free Workers President Atty. Jose Sonny Matula na may positibong epekto sa diplomasya at pagtutulungan sa pagkain at enerhiya ang pagtitipon ng 11 miyembrong bansa maliban sa Myanmar na walang political representation.

Ngunit, nilinaw rin ni Matula na hindi dapat isakripisyo ng gobyerno ang kalayaan, karapatan, at dignidad ng karaniwang mamamayan kung ang totoong layunin ng naturang summit ay ang kapakanan ng bansa.

Isinulong ng abogado ng mga manggagawa na dapat igalang ang karapatan sa pagpapahayag imbes na arestuhin ang mga mamamayan sa naturang internasyonal na aktibidad.