Nagbabala si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa publiko na huwag magpadala sa mga papuri ni United States President Donald Trump kay Presidente Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng ASEAN Summit.

Ipinahayag ni Rodriguez na bahagi lamang ng diplomatikong asal sa host country ang pagtawag ni Trump na “amazing” ang Presidente at bilang isang “tough negotiator”.

Inilarawan ng dating opisyal ang nangyari sa nakaraang pagbisita ni Marcos sa White House kung saan tumaas pa nga mula 17 porsyento patungong 19 porsyento ang taripa sa mga produkto ng Pilipinas na pumapasok sa Estados Unidos.

Nilinaw ni Rodriguez na isang bihasang politiko si Trump na nagbibigay ng magagandang salita sa harap ng kamera sa kabila ng mga suliraning kinakaharap ng bansa.