Humingi na ng tulong ang Roads and Traffic Administration sa Cagayan de Oro City Police Office para sa pagsasagawa ng random checkpoints simula alas-onse ng gabi laban sa mga maingay na motorsiklo at drag racing habang hinihintay pa ang pagpasa ng inamiyendahang Traffic Code.

Ayon kay RTA Manager Doy Ramiro, karaniwang lumalabas ang mga pasaway na motorista sa oras ng gabi kung saan bukod sa maingay na tambutso o muffler, nagsasagawa rin ang iba ng ilegal na karera sa lansangan. Nilinaw ng opisyal na dahil sa lawak ng area of coverage ng kepulisan, pinili ang random na oras ng panghuhuli upang mabantayan ang mga pasaway sa buong lungsod.

Tiniyak ni Ramiro na ito ang agarang hakbang ng ahensya habang hindi pa natatapos ang legal na proseso ng mas mabigat na panukalang batas.