Ang mga lider lamang na guilty at may masamang ginawa laban sa taumbayan ang matatakot sa kapangyarihan ng International Criminal Court.
Ito ang pinanindigan ni People’s Constitutional Reform Initiative Convenor at Lay Theologian Wilson Amad matapos kuwestiyunin ang hangarin nina United States President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin, at Chinese President Xi Jinping na pahinain ang naturang hukuman.
Obserbasyon ni Amad, alam ng mga naturang higanteng pangulo sa ilalim ng konsensya na maraming inosente ang nadamay sa kanilang ginawa at natatakot na matulad sa mga dating tyrant at abusado na nakulong sa ICC.
Nilinaw ng lay theologian na hindi dapat katakutan ang korte sa mundo kung malinis ang konsensya ng isang lider at walang nagawang crimes against humanity o genocide.









