Hindi masama ang paggamit ng artificial intelligence kung gagamitin lamang ito bilang gabay sa pag-iisip at hindi ipapalit sa mismong taong nagtatrabaho.
Ito ang ipinaliwanag ni University of Science and Technology of Southern Philippines Student Government President Angel Janette Taglucop matapos bigyang-diin na ang totoong layunin ng AI ay ang pagtulong sa data analysis, statistics, at healthcare.
Obserbasyon ng student leader, ang naturang teknolohiya ay idinisenyo upang magpagaan sa paulit-ulit na gawain at hindi upang magtanggal ng mga empleyado sa kanilang kabuhayan.
Muling hiningi ni Taglucop ang malinaw na regulasyon mula sa gobyerno upang hindi magkamali ang paggamit ng naturang inobasyon laban sa mga manggagawa.









