Kahit isang Computer Science student, tutol si University of Science and Technology of Southern Philippines Student Government President Angel Janette Taglucop sa pagtatayo ng artificial intelligence hub sa bansa dahil magdadala lamang ito ng banta sa trabaho ng mga Pilipino.

Nakita ni Taglucop na maraming manggagawa ang nawalan na ng kabuhayan dahil pinapalitan na ng AI ang paggawa ng mga video, musika, at larawan na dapat sana ay trabaho ng tao.

Kaya naman, hiningi ng lider ng mga estudyante ang mahigpit na regulasyon sa paggamit ng naturang teknolohiya upang hindi maabuso laban sa mga empleyado.

Nilinaw ni Taglucop na isang kasangkapan lamang ang AI na dapat gabayan at hindi dapat gawing kapalit ng manggagawang tao.