Kinondena ng Tindig Movement CDO ang pagpupumilit ng gobyerno na maitayo sa Pilipinas ang Pax Silica artificial intelligence hub at mga data center ng Estados Unidos na tinawag nilang malaking sampal sa sektor ng agrikultura.

Iginiit ni Tindig Movement CDO Co-Founder Mikylla Louise Tolibas na maling desisyon ang pag-asa at pagbili ng Pilipinas ng 100 porsyentong agricultural products mula sa Amerika kahit mayaman ang bansa sa natural resources.

Kinuwestiyon ng grupo ang silbi ng mga lokal na magsasaka at agriculturist kung pababayaan lamang ng mga opisyal ang sariling ani upang makapasok lamang ang dayuhang proyekto.

Binigyang-diin ni Tolibas na ang natural resources ng Pilipinas ang talagang pakay ng Estados Unidos para sa kanilang technological advancement kaya hindi makatarungan na pabayaan ang lokal na agrikultura.