Pinatibay pa ang pag-unlad ng PHIVIDEC Industrial Authority matapos dumating sa Mindanao Container Terminal ang apat na bagong hybrid rubber-tired gantry crane na magpapabilis sa paggalaw ng mga kargamento sa rehiyon.

Ipinahayag ni PHIVIDEC Administrator Atty. Sed Bernido na ang pagpapalawak ng pantalan ang isa sa pinakamahalagang serbisyo ng ahensya dahil ito ang pangunahing pinagkukunan ng kita ng kanilang tanggapan.

Ipinaliwanag ni Bernido na mas maraming negosyante ang mahihikayat at tataas din ang kita ng gobyerno kung mapalalawak pa ang kapasidad at kagamitan ng naturang pantalan.

Nilinaw ng administrador na ang pag-unlad ng operasyon ng Mindanao Container Terminal ay nagdadala rin ng malaking pakinabang sa ekonomiya at kalakalan sa Northern Mindanao.