Ipinatigil muna ang lahat ng operasyon at aplikasyon sa pagmimina sa Opol habang hinihintay ang hakbang ng mga ahensya ng gobyerno. Ayon kay Opol Mayor Jay Bago, walang pinili ang pagtigil kabilang na ang mga bagong permit at pinupuntiryang minahan ng bayan.

Ipinahayag ni Mayor Bago na isinulong na ng bayan ang agarang assessment ng Department of Environment and Natural Resources, Environmental Management Bureau, at Mines and Geosciences Bureau upang mailabas agad ang kabuuang plano.

Idinagdag ng pamunuan ng bayan na uunahin sa pag-assess ang mga lehitimong may permit upang makapagpatuloy sa operasyon kung mapapatunayang maayos ang sitwasyon.