Itinabi muna ng pamahalaang panlalawigan ng Misamis Oriental ang calamity fund habang naka-standby na ang mahigit 200 tangke ng tubig para sa paghahanda sa epekto ng Super El Niño.
Ayon kay Misamis Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Fernando Vincent Dy Jr., kinakailangang mag-ingat ang kapitolyo sa paggamit ng 30 porsyentong pondo para sa agarang pagtugon mula sa calamity fund upang may matira pa kung umabot na sa kritikal na antas ang tagtuyot, lalo na’t inaasahan ng PAGASA na tatagal pa ito hanggang sa unang bahagi ng 2027.
Nabatid na ang pagpapalabas ng mga stainless at blue na tangke ay nakadepende pa sa utos ni Governor Juliette Uy, ngunit patuloy nang naka-handa ang lalawigan upang matulungan ang mga maaapektuhang lugar.
Hinimok ang publiko na magtipid na sa tubig at kuryente kahit pa may mga pag-ulan sa ilang bahagi ng lalawigan.











