Hindi dapat manatili na lamang sa pag-aaral at manahimik ang kabataan sa gitna ng mga desisyon ng gobyerno na direktang humuhubog sa kanilang kinabukasan, ayon kay Capitol University Central Student Government President Chrysler John Utlang.

Ipinaliwanag ni Utlang na ang mga hakbang ngayon ukol sa kalikasan, edukasyon, at foreign relations ang magdidikta sa bukas na haharapin ng bagong henerasyon.

Kaya naman, binigyang-diin ng batang lider na kung mabibigo ang gobyerno sa pagprotekta sa kalikasan o sa pamumuhunan sa edukasyon, ang mga kabataan ang papasan sa pinsala at mawawalan ng pagkakataon sa hinaharap.

Idinagdag ni Utlang na malilimitahan ang boses ng karaniwang mamamayan kung ang malalaking desisyon ng gobyerno ay walang transparency at konsultasyon sa taumbayan.