Ang pagkaantala ng hustisya sa hindi pa lubos na nalulutas na Ampatuan massacre ay nagpapakita ng kakulangan sa accountability sa gobyerno sa gitna ng malalaking isyu sa bansa ngayon, ayon kay National Union of Peoples’ Lawyers member Atty. Beverly Selim-Musni.
Nagpahayag ang abogado na habang nagpapatuloy pa ang mga apela at hindi pa natatanggap ang danyos ng mga biktima, nananatili rin ang kawalan ng malinaw na pananagutan sa publiko ukol sa pagpapatupad ng batas at mga isyu sa pamamahala.
Ayon sa naturang miyembro ng NUPL, kung mabagal ang hustisya at ang pananagutan sa malalaking krimen at isyu, magbibigay ito ng mensahe na ang mga makapangyarihan ay maaari na lamang makalusot sa pananagutan.
Kaya naman hinimok ng abogado ang taumbayan na magpatuloy sa paniningil sa estado upang hindi malibing sa limot ang hustisya at ang boses ng publiko.










