Nilinaw ng dating diplomat na si Atty. Jojo Lacanilao na moot and academic na ang habeas corpus petition para kay dating Presidente Rodrigo Duterte dahil wala na ito sa hurisdiksyon ng Korte Suprema matapos madala sa The Hague.

Ayon sa dating diplomat, hindi na mapipilit ng Korte Suprema ang alinmang ahensya ng gobyerno na ilabas ang dating pangulo at walang kapangyarihan ang hukuman na utusan ang International Criminal Court na ibalik ang dating lider sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Lacanilao na hindi hinatulan ng naturang desisyon ang pagiging legal o ilegal ng pag-aresto, kaya maaari pang isulong ang ibang kaso o humingi ng danyos sa tamang korte.

Idinagdag ng abogado na hindi na nakapagtataka ang pagbasura sa petisyon, ngunit nagulat ang kampo nang matuklasang may apat na mahistrado na tumutol o nag-dissent sa desisyon.