Tinututukan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Region 10 ang contingency plan ng limang pangunahing ahensya laban sa epekto ng Super El Niño.
Ayon kay RDRRMC-X Chairperson Antonio B. Sugarol, nagmo-monitor ang konseho sa Department of Agriculture para sa pagkain, DENR sa tubig, DOH sa kalusugan, DILG sa kapayapaan at seguridad, at DOE sa enerhiya.
Ipinahayag ng naturang opisyal na ang Office of Civil Defense ang nangunguna sa regional council at sa ilalim nito kumikilos ang Task Force El Niño sa lahat ng yugto mula sa prevention at mitigation hanggang sa rehabilitasyon.
Binigyang-diin ng pamunuan ng RDRRMC-X na mahalaga ang koordinasyon sa bawat ahensya at lokal na pamahalaan upang matukoy agad ang mga problema at mabigyan ng tamang tulong ang taumbayan.










