Binatikos ni Prof. Ryan Maboloc ang mungkahi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na mag-ambag ang publiko upang matulungan ang halos P20 trilyong utang ng gobyerno, at ikinumpara ang sitwasyon ng Pilipinas sa South Korea noong 1997.
Ayon sa political philosophy at ethics professor sa Ateneo de Davao University, nag-donate ng ginto ang mga South Korean noon dahil muntik nang mag-collapse ang kanilang ekonomiya at kapos ang dollar reserve, samantalang manageable pa ang ekonomiya ng bansa at may dolyar pa ang Pilipinas.
Ipinaliwanag ng akademiko na hindi makatarungan na pasanin ng karaniwang mamamayan ang utang ng gobyerno lalo na sa gitna ng mga isyu sa katiwalian at budget deficit.
Idinagdag ng naturang propesor na ang pambansang pamahalaan at mga institusyon ang may tungkulin sa pamamahala ng utang at polisiya, hindi ang ordinaryong mamamayan.











