Maaaring bumagsak ang ekonomiya kung ma-convict si Vice President Sara Duterte sa nagpapatuloy na impeachment at magsabay-sabay ang political instability, economic instability, at Super El Niño sa susunod na taon.
Sinabi ng ekonomista at dating bise gobernador na si Joey Pelaez na nagdadalawang-isip na ang mga dayuhang negosyante dahil sa pagdududa sa korapsyon, kaya $90 bilyon lamang ang dollar reserve ng bansa imbes na $240 bilyon.
Ipinaliwanag ng dating opisyal na bumabagal na ang pagbili ng mga konsyumer dahil sa mataas na presyo at mahal na borrowing cost kahit pa ang pamimili ng mga Pilipino ang bumubuhay sa ekonomiya.
Idinagdag pa ni Pelaez na kahit ang mga ekonomista at mga observer ay hindi alam kung anong mangyayari sa bansa kung magsasabay-sabay ang naturang malalaking hamon sa susunod na taon.











