Simple ngunit makabuluhan ang isasagawang Pasko de Oro 2026 sa Cagayan de Oro kahit pa sa banta ng Super El Niño at iba’t ibang pagsubok na kinakaharap ng taumbayan sa kasalukuyan.
Iginiit ni acting city tourism officer Marky Jalapadan na dapat pa ring magdiwang ng Pasko ang mga Kagay-anon at mga pamilya dahil tradisyon na ito at napakaraming dahilan ang dapat ikatuwa.
Ibinunyag pa ng opisyal, nakahanay na ang iba’t ibang aktibidad sa pagbubukas ng buwan ng Disyembre kung saan sisindihan na bago mag-December 8 ang mga dekorasyon sa City Hall Executive Building, Gaston Park, at Divisoria, samantalang may Salubong sa Pasko at fireworks display sa December 16.
Idinagdag ng pamunuan ng turismo na isasagawa rin ang Bangga sa Daygon sa December 10 sa Centrio Ayala Mall at Drum and Lyre Competition sa December 11 para sa mga elementary pupil.











