Peke at gi-edit ang kumalat na video online na nagpapakita kay Congressman Lordan Suan sa ika-75 anibersaryo ng Cagayan de Oro Press Club kung saan lumabas na may binanggit na batas ukol sa impeachment at eleksyon sa 2028 ang kongresista.
Kinumpirma ni Hanni Pesos, presidente ng Cagayan de Oro Press Club, na walang sinabing katulad ng naturang pahayag ang kongresista sa speech nito at nagpasalamat lamang ito, bumati sa prensa, at bumanggit ng batas sa freedom of speech at right to know.
Ipinaliwanag ng presidente ng press club na may ginamit na artificial intelligence at iba ang audio o caption na ipinares sa larawan ng kongresista sa pagsasalita nito.
Dugtong pa ng lider ng prensa, nalungkot ang organisasyon sa paggamit ng aktibidad sa pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa isang politiko.











