Kumuha ng inspirasyon si Peoples Constitutional Reform Initiative Convenor at Lay Theologian Wilson C. Amad kay Andres Bonifacio sa mungkahi nitong sanayin nang mabuti at gawing military reserve ang mga kuwalipikadong Pilipino sa bansa.

Ngayong Bonifacio Day ginugunita ni Amad si Bonifacio na naging pinuno ng armadong pakikipaglaban noon upang palakasin ang pagtatanggol sa bansa.

Binigyang-diin ni Amad na sa gitna ng mga banta ngayon mula sa mga dayuhan, mayroong 55.5 milyong Pilipino na may edad 18 hanggang 50 taong gulang batay sa 2024 PSA census na maaaring maging handa sa pagtatanggol kung masasanay nang tama.

Sinabi ng lay theologian na wala pang 500,000 lamang ang tinatayang puwersa ng militar at kepulisan, samantalang dapat ding ituro ng gobyerno ang batas sa armas at ang tamang paggamit nito.