CAGAYAN DE ORO CITY-Kapwa binawian ng buhay ang mag live-in partner matapos magkaroon ng lamat ang kanilang matamis na relasyon sa Agora, Brgy Lapasan nitong lungsod.

Sinabi ni Agora Police Station Commander Capt. Julius Saluta na nagalit umano ang security guard na si Briccio Sayson dahil gusto na siyang hiwalayan ng kanyang may-bahay na si Mary Joy Amper kayat binaril gamit ang 38 revolver.

Matapos umanong barilin ng suspek ang babae ay agad naman nitong binaril ang sarili.

Ayon kay Saluta patuloy pa nilang inaalam kung may dating kaso ang nagpakamatay na suspek.