CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang isang ginang matapos pagtatagain ng isang lalaking may deperensya sa pag-iisip sa Zone 3, Brgy. Besigan nitong lungsod.

Kinilala ang biktima na si Junela Minister, may asawa at residente sa nasabing lugar habang ang suspek naman ay ang kapit-bahay nito na si Rene Sugtong, 30, binata.

Sinabi ni Lumbia Police Station Commander Major Aldren Baculio na bandang alas 7 kaninang umaga ay bigla na lamang hinabol ng suspek ang biktima at pinagtataga ng itak hanggang sa bawian ng buhay.

Ayon kay Major Baculio, kasong murder ang kanilang isasampa laban sa suspek bukas.