CAGAYAN DE ORO CITY-Nakahandang sumuporta ang grupo ng mga kabataan sa Misamis Oriental na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa alinsunod sa dalawang kondisyon.

Sinabi ni Board member Kerwin Jess Solvedilla, Misamis Oriental Sangguniang Kabataan o SK federation president na gusto nila na unahin munang ayusin ang kumunidad bago ang pagsabatas ng naturang panukala.

Dagdag pa ni Solvedilla, gusto din muna nilang masiguro na magiging patas ang pagpapatupad nito, at walang pipiliing estado sa buhay maging mahirap man o mayaman.