CAGAYAN DE ORO CITY-Pansamantalang ipinasara ang isang mall sa Valencia City Bukidnon.

Itoy matapos madiskubreng nagpositibo sa COVID-19 ang 19 na empleyado ng Gaisano Mall sa nasabing Siyudad.

Sinabi ni Valencia City Mayor Azucena Huervas na nagsagawa na ng malawakang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga biktima.

Mas pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Valencia ang kanilang pagpapatupad sa minimum health protocol lalo na’t tumataas ang bilang ng mga taong tinamaan ng coronavirus sa kanilang lugar.