Tinutulan ng pangkat ng mga manggagawa ang paulit-ulit na pagpataw ng sisi sa mga aplikante at ang pagsasabing may job mismatch sa dami ng mga walang trabaho.
Nagpahayag si SENTRO Secretary General Joshua Mata na hindi kasalanan ng mga kabataan na wala silang mapasukan na trabaho dahil kulang talaga ang oportunidad na ginagawa ng ekonomiya.
Nilinaw rin ng opisyal na hindi sapat ang ginagawa ng Department of Labor and Employment na paulit-ulit lamang na nagbibigay ng ayuda at job fair.
Nagbabala si Mata na kinakailangang layunin ng ahensya ang paglikha ng long-term na kabuhayan imbes na paimbabaw lamang na magsalba sa mga nawalan ng trabaho.











