Binigyang-diin ni Konsehal Eric Salcedo ang pagiging may pananaw ng pamahalaan sa pagsuporta sa 8.5 bilyong pisong loan para sa bagong Government Complex.
Nilinaw ng opisyal na ang kasalukuyang alkalde lamang ang may lakas ng loob na magpatupad ng naturang proyekto na matagal nang pinaplano ng mga nakaraang administrasyon.
Ipinaalala rin ni Salcedo sa publiko na ang mga loan noon tulad ng sa Cogon at Carmen markets, diversion road, flyover, at library ay binabatikos man noong simula ngunit napakalaking kapakinabangan ang ibinibigay ngayon.
Kaya naman naniniwala ang opisyal na ang pagpapatayo ng mga bagong tanggapan ay makalulutas sa trapiko sa sentro at magbibigay ng one-stop shop para sa mas mabilis at kumportableng serbisyo sa mamamayan.











