CAGAYAN DE ORO CITY-Sinunog ng isang lalaking may deperensya sa pag-iisip ang dalawang palapag na tinitirhan nito sa Sto. Niño Lapasan nitong lungsod.

Sinabi ni Brgy Lapasan Kapitan Julito Ogsimer na tatlong beses nang pinagtangkaan ng suspek na sunogin ang nasabing bahay at nang maiwanang mag-isa, muli itong nagsunog kayat tuluyan ng nilamon ng apoy ang bahay.

Ayon kay Ogsimer, nalolong umano sa ipinagbabawal na gamot ang responsable kaya humantong sa pagkawala sa matinong pag-iisip nito.

Nilinaw ng opisyal, sa halip na kasuhan ay mas pagbibigyan nila ng pansin na mapagamot ito upang manumbalik sa normal ang pamumuhay ng lalaki.