CAGAYAN DE ORO CITY-Matagumpay na nahuli ng ibat-ibang unit ng PNP at militar ang mag-asawang nagbebenta ng bulto-bultong illegal na droga sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.

Kinilala ang mga suspek na sina Asna Minalang, 32, at Jamalodin Musa Odin, 39, na residente sa Purok 3, Brgy Calibo sa naturang bayan.

Sinabi ni Lanao del Norte Provincial Police Office spokesperson Major Salman Saad na gamit ang 2.8 milyong pesong boodle money nabilhan ang mag-asawa ng isang kilong droga na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8-Milyon.

Ayon kay Major Saad matagal ng target ng mga otoridad ang mga suspek dahil sa illegal na kalakaran.