CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ng malunod ang mag-asawa na nakasakay ng kanilang pribadong sasakyan sa Ozamiz City, Misamis Occidental kaninang madaling araw.
Kinilala ang mga biktima na sina Ferdinand, 48 at Teresita Halasan, 47 anyos na residente sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Ozamiz City Police Station commander Lt Col Sherwin Lapiz na pauwi na ang mga biktima mula paghatid ng kanilang mga kasamahan sa simbahan nang mahulog sa binabaybay na boulevard.
Inihayag ni Lapiz na tanging ang mag-asawa lamang ang nakasakay sa kulay itim na kotse nang madatnan ang sasakyan na nagtamo ng malaking pagkasira sa bumper na bahagi nito.
Natuklasan na nakainom umano na nagmamaneho ang biktimang lalaki habang pabalik na sana sa kaniang bahay mula paghahatid ng kanilang mga kakilala.
Kumbinsido rin ang pulisya na walang foul play sa nangyari na naresulta ng agarang pagkasawi ng mga biktima.