CAGAYAN DE ORO CITY-Nagpasaklolo ang pamilya ng isang grade 10 student sa Bombo Radyo matapos umanong gahasain ng anim na kalalakihan sa Brgy San Antonio, Jasaan, Misamis Oriental.

Kwento ni alyas Liza, 16, na noong Setyembre 5 nitong taon ay dinala siya ng kanyang kaibigan sa bahay ng 40-anyos na suspek at nang malasing ay dito na isinagawa ang krimen.

Natakot umanong umuwi ang biktima sa kanilang bahay na baka mapagalitan ng kanyang ina kayat kinabukasan, Setyembre 6, pasado alas 8 ng gabie nagkayayaan sila ng kanyang mga barkada ng magpunta sa dagat ngunit sa kasamaang palad muli na naman umano siyang ginahasa ng panibagong limang mga lalaki.

Sinubukan pa umanong awatin ng kanyang mga barkada ang kababuyan ng mga suspek ngunit nagtagumpay pa rin ang paghahalay.

Kwento naman ng ina ng biktima, na natrauma ang kanyang anak sa sinapit nito sa mga suspek.

Apela nila na makamit ang hustiya at makulong mga suspek na namantala sa kanyang anak.