Ipinanawagan ng grupong Federation of Free Workers na hindi lamang sana hanggang sa papel o mga framework agreement ang mga napagkasunduan sa ASEAN Summit kundi maramdaman talaga sa totoong buhay ng mga Pilipino.
Binigyang-diin ni Federation of Free Workers President Atty. Jose Sonny Matula na konkretong tulong ang kinakailangan sa agrikultura tulad ng pagpapaturo sa Vietnam kung paano paitaasin ang ani ng palay mula 80 patungong 120 sako bawat ektarya.
Iminungkahi ni Matula na gawing government-to-government ang pagbili ng bigas kung magkukulang ang suplay sa bansa upang hindi na dumaan sa mga pribadong negosyante na magpapalala sa mahal ng presyo.
Binigyang-diin ng lider ng mga manggagawa na ang totoong sukatan ng tagumpay ng summit ay ang direktang epekto nito sa pagkain at kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.











