CAGAYAN DE ORO CITY-Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang empleyado sa Munisipyo ng Jasaan Misamis Oriental matapos mahuli dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Kinilala ang suspek na si Joemar Achivida, 27, residente sa Brgy San Antonio sa naturang bayan.

Sinabi ni Jasaan Municipal Police Station Commander Capt. Bermil Alinas, matapos ang isang buwan na surveillance sa iligal na aktibidad ng subject naging matagumpay ang kanilang drug buy-bust operation.

Bukod sa 1 sachet na pinaniniwalaang shabu na nabili sa suspek, nakuha rin sa kanyang posisyon ang karagdagang 2 sachet.