Nilinaw ng City Disaster Risk Reduction and Management Department na malayo sa mga sementeryo at labas sa operasyon ng Undas ang nangyaring pagkalunod ng dalawang batang babae sa Barangay Pagatpat noong Araw ng mga Santo.

Ibinunyag ni CDRRMD Head Nick Jabagat na idineklarang dead on arrival sa JR Borja General Hospital ang mga biktimang nag-aedad 12 at 13 anyos matapos tangayin sa Iponan River.

Ipinaliwanag ng opisyal na parehong taga-Habitat relocation ang mga biktima na naligo sa ilog dahil sa init ng panahon ngunit walang sapat na karanasan sa agos at lalim ng naturang lugar.

Dahil dito, nanawagan ang tanggapan sa mga opisyal ng barangay na higpitan ang pagbabawal sa mga batang naliligo sa ilog upang maiwasan ang trahedya.