CAGAYAN DE ORO CITY-Naniniwala ang pulisya na isang professional hitman ang tumira sa kilalang negosyante na si Carlos ‘Caloy’ Lam sa Looc, Brgy Canitoan nitong lungsod.

Sinabi ni Bulua Police Station Commander Capt. Mario Mantala Jr na base sa kanilang pag-imbestiga, wala umanong kaba ang suspek ng ginawa ang krimen.

Sinabi ni Capt. Mantalla na patuloy pa nilang kinukulekta ang kuha ng mga CCTV footages upang makilala ang identidad ng nag-iisang responsable na nakasakay lamang ng motorsiklo.

Nanawagan ang mga otoridad sa mga nakakita sa insidente na makipagtulungan sa kanila upang mapabilis ang pagkamit ng hustisya sa biktima.