Binatikos nang husto ni Lay Theologian Wilson Amad ang paraan ng Pangulo ng bansa na paggamit ng balde at tubig-pinaghugasan bilang paghahanda sa Super El Niño.

Ipinahayag ng teologo na kinakailangang unahing palawakin ang pag-iisip ng pangulo at nararapat na kumonsulta muna sa mga eksperto at siyentipiko bago magpalabas ng estratehiya.

Subalit, inihayag ni Amad na tulad ng Santo Papa sa Simbahan, kinakailangan ding makinig ng antas ng pamumuno sa kaalaman ng mga katutubo na may karanasan sa paglutas ng tagtuyot.

Kaya naman, iginiit ni Amad na kinakailangan ang isang komprehensibong plano mula sa malawak na konsultasyon at hindi ang basta-bastang pag-iisip na walang malinaw na direksyon.